Polusyon sa tubig ng Pilipinas

Ganito na ba talaga ang mundo, na kahit san tumingin ay nakikita ang maruming kapaligiran? oh ang ganda ng yamang tubig ay maglalaho na nga ba?



Ang polusyon sa tubig ay hindi magandang epekto sa ating mga tao. Nasa panganib ang ating kalusugan pag pinanatili nating mga tao na puro basura ang mga lawa, ilog, dagat, at kanal hindi lamang tao ang maapektuhan sa kagagawan nating mga ito kundi ang mga hayop at mundong tinitirhan natin. Nanganganib din ang ating yamang tubig dahil sa mga basura, pabrika, dumi galing sa kanal, at sa sewage. At hindi lamang yamang tubig natin ang masisira kasama rin ang mga tirahan ng mga isda sa ilalim ng dagat at ang mga isda mismo ang maapektuhan pag hinayaan nating pabayaan ang dagat na tapun-tapunan nating mga tao tayo rin ang mahihirapan sa mga kagagawan natin na mas iniisip ang ikauunlad ng mga pabrika na mayroon tayo sa bansa.

Tayong mga tao ang mahihirapan pag di natin binago ang mga gawaing ito at pag pinagpatuloy nating mga pilipino na makisabay sa kapabayaan ng ating kapaligiran ay hindi rin uunlad ang bansang ating kinatatayuan kung mas uunahin ang kagandahan ng ating bansa ay wala din itong silbi kung ang yaman tubig natin ay nahahayaan lamang.
Saan nga ba nagsimula ang polusyon sa tubig?. Nagsimula ito sa mga tao, nagsimula ang problema nating ito sa rebolusyong pang industriya sa di inaasahang pangyayari ay ito'y nadagdagan hanggang sa naging malaking problema habang tumagatagal mas napapabayaan ng mga tao ang ating mundo kapag ipinagpatuloy natin ang ganitong pamumuhay at hindi natigil ang patuloy na paggamit ng kalikasan para sa mga kumpanya at pabrika ay di natin masisiguro ang kaligtasan nating mga tao, kung tayo ay magtutulungan at ibahin ang daloy ng pamumuhay na hindi maapektuhan ang kalikasan ay maayos natin ang problema sa yamang tubig na ating nararanasan at matutulungan natin ang mundong ating tinitirhan na maibalik muli sa dati nitong magandang kalagayan at maayos natin ang kakaibang trahedya na ating nararanasan.

Comments